WHAT’S THE FUss? With MR. FU : BUHAY SOLO NI FORD
Spread the news on:

Photo: Ford Valencia BoybandPh FB

Dalawang taon na rin ang nakalilipas nung magdesisyon si Ford Valencia at ang kanyang mga ka-grupo sa BoyBandPh na maghiwa-hiwalay para i-pursue ang kani-kanilang solo careers. (parang gusto kitang i-pursue bro!)

“Natapos na rin ang kontrata namin, kaya naisipan naming magkanya-kanyang buhay na muna at marami rin kasi kaming gustong gawin sa aming sarili na alam naming magiging rason para madevelop pa ang aming kakayahan. Maayos naman yung paghihiwalay naming sa grupo.” Paliwanag ni Ford. (pag tayo, di ako hihiwalay sayo!)

Hindi naman daw mababalewa yung samahan nila dahil mananatiling espesyal sa puso nya ang BoyBandPh: “Madami akong natutunan. Ang buhay kasi ng isang grupo ay iisa. Ang pagkakamali ng isa ay pagkakamali nyo nang lahat. Unity, cooperation, patience at lawak ng pagunawa ang kailangan mong isipin at ugaliin kapag may kagrupo ka. Di ka pwedeng maging makasarili.” (di nako magsasarili pag nandyan ka bro! samahan mo ko!)

Ngayon ay naka-focus si Ford sa pagiging solo performer: “ Challenging ito kasi wala nang sasalo ng mga bagay na di mo alam. Ito ang pinakamahirap na part. But being a solo artist will help you grow more. Masaya na nakakakaba dahil maraming mata sa paligid at maraming bibig na magbibigay ng magagandang salita, at kaya ring sugatan ang iyong isip at damdamin. Kailangang maging matatag na lang talaga.” (basta wag mo akong sasaktan at susugatan bro!)

Kamakailan ay inirelease nya ang single na “Pwede Ba?” : “Ginawa po ito nina Jojo Bragais and Esther Gandul na mapapakinggnan sa 25 streaming platforms.”  (so pwede ba tayo bro?)

Iniisip din ng bente siete anyos na singer na pasukin ang pag-arte.   (dapat ako kapartner mo bro!)

“Sa acting, dream role ko yung maging isang detective na kayang lumutas ng mga kaso di na kailangang gumawa ng dahas sa eksena. Tipong utak lang ang gamitin sapat na. (laughs)” Pagbahagi ni Ford. (ay pag tayo magkaeksena lagyan ng konting dahas!)

Hindi lang daw kaya ni Ford yung mga daring at sexy roles na kadalasang ibinibigay sa mga nagsisimulang aktor:   “I’m not into sexy roles or yung mga tinatawag nilang BL series dahil di naman po ito ang pinangarap ko sa showbiz, yung acting in general. Pero mahal ko po ang LGBT community – kaibigan at kakampi nila ako. Hindi ko lang talaga nakikita ang sarili ko sa mapangahas na roles. Pero kung magugustuhan ko ang kwento ng proyekto at makabuluhan, di ko po tatanggihan as long as di masasayang ang pagkakataon sa buhay ko at di ko pagsisisihan bakit ko sya ginawa. “ (tara na bro, di ka magsisisi sakin..)

Determinado si Ford na maging successful sa entertainment industry kaya wala raw muna oras para sa kanyang love life. (pero paano tayo bro?!)

“Career po talaga muna. Wala po akong GF as of now. Pero kung may darating ang hanap ko lang sa isang babae ay yung “spark between our hearts” na kailangan kong maramdaman. Hindi na ko humihingi ng classification sa isang babae kasi di na basehan sa akin yung mga standards ko noon.” Sambit ni Ford (ay ako ang darating bro. may bitbit akong spark, isang box!)

 

(MR.FU hosts on 91.5 Win Radio, 9pm to 12mn, Mondays to Fridays. Twitter/IG: @mrfu_mayganon. FB: MrFU the Star DJ. Youtube/Patreon: WTFu)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.