WHAT’S THE FuSS? BY MR. FU: “AMBUSH VICTIMS”
Spread the news on:

ANG MGA NA-AMBUSH KO.

Nung madalas pa ang mga awards night, madalas akong naassign ng TV5 na magcover ng arrival ng mga artista sa red carpet. (pang entrance lang ata ako. di ko pwede pumasok sa loob?! ) MInsan naman, pinaghohost ako pero sa red carpet pa rin. (mukha ba akong gate crasher?!)

May ilan akong mga di makakalimutang mga eksena sa mga ambush interviews ko sa makasaysayang red carpet.  (mga kabaliwan ko!)

 

*Gretchen Barretto

Pagdating na pagdating ng kontrobersyal na aktres na si Gretchen Baretto sa Film Academy of the Philippines awards night napansin ko ang kumikinang na brilyante sa kanyang wrist.  (hablutin ko sana! Chos!)

MRFU : Wow, that’s nice! (yun lang nareact ko!)

Gretchen: That’s Bulgari.

MR.FU. ohhh.. (yung lang din nasabi ko kasi di ko alam bigkasin pero humirit ako!) Sorry how do you pronounce it? Bul…

Gretchen: Bulgari! Say it Fast! Bulgari!

(so may teaching lesson pa ha!)

 

*Charo Santos:

Pag enter frame ni TV Executive and Actress Charo Santos sa venue ng UST TV Awards, nagrequest agad ako ng interview sa kanya. Pumayag naman sya agad agad (mukhang di naman sya nagduda sa kakayanan ko!) Sinimulan ko sa mga standard at basic questions na kadalasang tinatanong  isang reporter sa kanyang interviewee at nagsegue sa mga seryosong tanong (yung kunwari matalino ako ganyan at kunwari may manners ako!) Pagtapos ng interview, pinasalamatan ko sya at sinuklian naman ako ng magandang ngiti.  Pero nung palakad na sya papasok ng mismong event…

MR.FU : Ma’am Charo! (pasigaw ha!)

Charo:  Yes? (lumingon na parang pang MMK camera shot!)

MR.FU: Green na Green kayo ha. Bakit po? (Green dress, green hikaw, green bag, green shoes ganyan!)

Charo: Oh! For prosperity! For the environment. (sabay smile na pangmayaman!)

(kaloka yung sumigaw ako na parang tumatawag ako ng tambay!)

 

*Lea Salonga.

Sobra akong fan ni International Performer Lea Salonga, kaya inabangan ko talaga ang pagdating nya noon sa Awit Awards. (feeling ko noon ako sa Kim sa Ms. Saigon, hindi Kim Atienza ha!) Pero mukhang nauna pa ata sakin si Ms. Lea. Nalaman ko nalang nasa backstage na pala sya. Kaya sugod ako duon para mainterview sya bago sya magpeform on stage. ( nag-atribida talaga ako!)

MR.FU: Hello Ms. Lea, I’m Mr.FU. May I have a short interview with you? (so umenglish pa talaga ako ha!)

Lea: (who was sitting beside her mom)  Hello! Sure! How do you want it? Sitting down or standing up?

MR.FU: Ay, luhod nalang po ako. (as in parang lumuhod ako sa harap ng santo habang nagtatanong ng keme keme!)

 

*Nora Aunor.

Nag-organize ang TV5 ng isang “All Black Party”. Ang ibig sabihin itim ang isusuot na gowns ng mga babae at itim na formal attire para sa mga lalaki. (muntik nako maggown dito ha!) pero dumating ang nag-iisang superstar ng Philippine Showbiz na si Ms. Nora Aunor in her orange gown. (either di nasabihan o ayaw pakabog?!)

MR.FU: Hello po Ate Guy! Good evening po.

Nora: Magandang Gabi naman sa iyo.

MR.FU: question po, bakit po kayo nag-orange?

Nora: Ah.. feeling ko, maganda ako sa kulay na ito.

MR.Fu: Bongga ka Ate Guy! Ponkan na Ponkan!

Narinig ni Grand Slam Best Actress Lorna Tolentino ang usapan naming ni Ate Guy. Hinatak nya ko at sinabing: “NAkakaloka ka! Hindi kita kinakaya!” (hindi ko rin kinaya at sinabihan ko pa ng ponkan na ponkan ang superstar!)

 

*Mga di masyadong “knows”

May isang event noon na ang konsepto ay mag-imbita ng 100 stars para sa isang malaking pagtitipon. (parang kulto!)  In fairness may mga stars namang dumating. (yung lumelevel naman) pero unfortunately, may mga dumating din na hindi pa masyadong star. (yung di pa kilala ni Aling Tasing!) Ang challenge sakin bilang red carpet host ay yung paano sila i-acknowledge pagtapak nila sa carpet! (kasi siempre dapat mag annotate nako pagbaba palang nila ng car!) No choice, kinailangan kong magrequest sa production staff na medyo tabihan ako paminsan minsan para i-feed sakin ang name and background ng mga darating na artistang bago sa paningin ko!

(so isa itong pagpapanggap na kilala ko sila at yung feeling close ako !)

 

(MR.FU hosts on 91.5 Win Radio, 8pm-12mn, Mondays to Fridays. Twitter/IG: @mrfu_mayganon. FB: MrFU the Star DJ. Youtube/Patreon: WTFu)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.