400 PASYENTE NG COVID-19 NAKATANGGAP NG ON-LINE PRAYER
Spread the news on:

Matapos ilunsad ang “E-prayer” ng Diocese of Novaliches para sa mga may sakit  sa gitna ng pandemya, aabot na sa 400 ang mga pasyente ng COVID-19 na nakatanggap ng “online prayer”.

Ang  E-prayer ay isang online platform na binuo ng Novaliches Diocese upang maipagdasal at mabigyan ng counselling ang mga tinamaan ng COVID-19.

Bukas sa lahat ang E-prayer at para sa online pray over request, kailangan lamang na magrehistro sa e-prayerdionova o kaya’y magpadala ng mensahe at detalye sa official Facebook page ng Diocese of Novaliches at sa numerong 0995-041-7199.

Sa pamamagitan ng E-Pray social comminications  ministry volunteers , ang mga COVID-19 patients ay tutulungan at dadasalan naman ng mga volunteer na mga pari na mula sa iba’t ibang mga simbahan sa bansa at New York.

Ayon kay Fr. Luciano Felloni, ang social communications director ng Diocese of Novaliches, inilunsad ang E-Pray, una dahil walang access sa simbahan ang mga pasyente ng COVID-10 at dahil pinagbabawalan din ang mga pari na lumabas at hindi rin basta nakapapasok sa mga ospital o bahay-bahay sa ICU o sa quarantine facilities para magbigay ng annointing of the sick o mag-alok ng confession o kumpisal.

Dahil dito naisipan ng Diocese of Novaliches na ilunsad ang E-Prayer  kung saan online na ginagawa ng mga pari ang pagdarasal sa mga nagkakasakit .

(Jocelyn Domenden)

Photo courtesy: https://www.facebook.com/NovalichesDiocese


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.