SUSPINDIDO ANG VOTER’S REGISTRATION AT VOTER’S CERTIFICATION SA MGA LUGAR NA NASA MECQ AT ECQ
Spread the news on:

Sinuspindi ng Comelec ang voter’s registration  at voter’s certification sa kabila ng pagbaba ng quarantine status sa NCR.

Epektibo ang  suspensiyon simula ngayong araw, April 12  hanggang  30.

Bukod sa NCR , Bulacan , Cavite , Laguna  at Rizal,  suspendido rin ang naka-schedule na voter’s registration  at voter’s certification  sa Santiago City, Isabela, Abra, Quirino at iba pang mga lugar na nasailalim ng ECQ o MECQ ng kanilang local govt unit. 

Tuloy naman ang voter’s registration at voter’s certification  sa nalalabing mga lugar sa bansa na nasa ilalim ng GCQ at MGCQ mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.

Bukas naman ang Comelec office para sa  overseas voting  sa Intramuros Maynila pati sa mga aplikante na may urgent travel needs sa panahon ng mecq period.

(Jocelyn Domenden)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.