SEN. LACSON: BOTCHA O DOUBLE DEAD ANG EPEKTO NG E.O. 128 KAYA DAPAT BAWIIN NG PANGULO
Spread the news on:

Pinababawi ni Senador Ping Lacson kay President Rodrigo Duterte ang executive order na kanyang ipinatupad kamakailan dahil lubhang mapipilayan nito ang lokal na industriya ng pagba-baboy.

Hiniling ni Senador Lacson na muling pag-isipan ang Executive Order (EO) No. 128 na nagbaba sa taripa o buwis ng mga imported na karneng baboy na magdudulot umano ng “double-dead” effect sa hog industry sa bansa.

“On behalf of the hog raisers, we urgently appeal to the president to reconsider and recall such executive order,” saad ni Lacson sa Senate committee of the whole hearing on the food security crisis na dulot ng African Swine Fever (ASF) nitong Lunes, April 12.

“Botcha o ‘double-dead’ ang epekto ng EO 128. Bakit? Patay ang lokal na industriya ng baboy; patay din ang koleksyon ng taripa ng gobyerno,” dagdag pa ng senador.

Pinirmahan ni Pangulong Duterte ang EO 128 noong noong April 7, na pansamantalang nagpapaliit sa taripa ng mga imported na karneng baboy sa isang taon.

Inihayag din ni Lacson ang estimate ng Bureau of Customs (BOC) na ang EO ay magreresulta sa pagbaba ng koleksyon sa buwis kapag ipinatupad na ang bagong taripa.

“Dahil sa pagbababa ng taripa, nasa P3.6 billion ang inaasahang mawawala sa gobyerno. Base pa rin sa isang ‘simulation’ na isinagawa ng Bureau of Customs, maaaring tumaas pa sa P5.4 billion ang mawawala sa loob lamang ng 9 na buwan,” sabi pa ni Lacson.

Sinabi ni Lacson na dapat ay nag-isip muna ng solusyon ang Department of Agriculture bago ang importasyon lalo na’t nasa gitna tayo ng dalawang krisis—ang ASF outbreak at Covid-19 pandemic.

“Don’t they realize that such inconsiderate cause of action has far-reaching implications on our country’s food security and even on our national security?” dagdag pa ni Lacson.

Ayon kay Lacson base sa datos ng Philippine Statistics Authority, ang napo-produce na karneng baboy ng bansa ay umaabot sa 2,250,000 metric tons mula 2018 hanggang 2020.

Para kay Lacson, sobra sobra pa ito sa konsumo ng bansa na 1,850,000 metric tons.

Sinabi pa ng senador na hindi kailangan ng bansa na mag angkat ng karne dahil labis pa ang supply nito sa bansa.

Ayon kay Lacson ang lokal na industriya ng pagbababoy sa bamsa ay naghihingalo na o ‘comatose’.



Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.