MALAKANYANG, MULING DINEPENSAHAN ANG PANGULO SA MGA BUMABATIKOS
Spread the news on:

Muling sinagot ng Malakanyang ang pamumupuna sa trabaho ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng lumalalang pandemya sa Pilipinas.

Nauna na kasing hinanap ng publiko ang Pangulo kung saan nag-trend pa ang #NasaanAngPangulo dahil sa dalawang beses na pagkakaantala ng Talk to the Nation niya noong nakaraang linggo.

Resbak ni presidential spokesperson Harry Roque na malusog ang Pangulo at hindi ni minsan itong umalis sa Malakanyang.

“Ang Presidente po natin, 24/7 ang kanyang nasa isip ay ang bayan po. Hindi kailangan ipangalandakan ni Presidente na siya ay naninilbihan,” ani Roque a Palace briefing.

Sa kabila nito, siniguro ni Roque na laging “on top of the situation” ang Pangulo sa pandemya.

“The President made the decisions he needed to make, such as the quarantine classification in Metro Manila and nearby provinces. He has supervision on the vaccination program, to ensure its rollout as soon as possible.

“Hindi kailangan magpakita ng patunay na siya ay nagtatrabaho. Hindi ganun ang istilo niya na ipagyabang sa tao na siya ay nagtatrabaho,” giit ni Roque.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.