FDA: MODERNA VACCINE, INAASAHANG MAGSUSUMITE NG APLIKASYON PARA SA EMERGENCY USE AUTHORIZATION NGAYONG LINGGO
Spread the news on:

Inaasahang magsusumite ng aplikasyon para sa emergency use authorization (EUA) ang Moderna ngayong linggo, ayon sa Food and Drug Administration o FDA.

“We heard that Moderna may apply this week. They are just collating their documents,” ayon kay FDA Director-General Eric Domingo .

Sa ngayon ay apat pa lamang ang nabigyan ng EUA kabilang ang Sinovac, Gamaleya, Pfizer-BioNTech at Sputnik V.
Habang ang Janssen at Bharat Biotech ay pending pa ang aplikasyon.

Sinabi ni Domingo na maari namang mag-apply ang gobyerno o ang DOH bilang implementer ng vaccination program para sa isang drug maker.

Gayunman, kahit umano ang DOH ang mag-aapply kailangan pa ring magsumite ng katunayan at dokumento na nagpapakita na ligtas, epektibo at de kalidad ang produkto.


(Jocelyn Domenden)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.