DOH BINALAAN ANG PUBLIKO SA PAGGAMIT NG ANTIGEN TEST SA BAHAY, MALING RESULTA PWEDE UMANONG LUMABAS
Spread the news on:

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko na awtorisadong  medical professional lamang pwedeng magsagawa ng rapid antigen test para sa Covid-19.

Ayon kay Health Usec Maria Rosario Vergeire,  hindi maaring gamitin ang antigen test sa bahay dahil posible umanong  magkaroon ng problema. Meron kasi nabibiling antigen test kits sa online na maaaring magkaroon ng false result.

Bukod dito, hindi pa naaprubahan para magamit sa bahay  sa ilalim ng kasalukuyang regulasyon.

Sa halip, hinikayat ng DOH ang publiko na sa mga lisensyadong COVID-19 na mga laboratory lamang magpatest.

Nauna naman hinikayat ng Philippine Hospital Association  ang DOH  na payagan ang publiko na magtest  ng kanilang sarili para sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa pamamahagi ng rapid antigen test.

Hindi naman sang-ayon ang DOH sa panawagan para sa mass testing sa gitna ng pagsirit ng kaso kung saan binigyan diin  na ang gobyerno ay nakatuon sa “risk based” testing.

(Jocelyn Domenden)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.