BALASAHAN SA KORTE SUPREMA
Spread the news on:

Nagpatupad ng balasahan sa tatlong dinisyon ng Supreme Court sa tatlong dibisyon kasunod ng pag-upo ni Alexander Gesmundo bilang bagong chief justice.

Ngayon, si CJ Gesmundo na ang hahawak bilang chairperson ng first division, ayon sa atas na inilabas ng kanyang opisina.

Si Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa ang magiging working chairperson, habang kabahagi sina Justices Rosmari Carandang, Rodil Zalameda, at Samuel Gaerlan.

Si Senior Associate Justice Estela Perlas Bernabe ang mamumuno sa second division, kasama sina Justices Amy Lazaro Javier, Mario Lopez, Ricardo Rosario, at Jhosep Lopez bilang miyembro.

Ang third division naman ay pamumunuan ni Justice Marvic Leonen kasama sina justices Ramon Paul Hernando, Henri Jean Paul Inting, Edgardo delos Santos at Jhosep Lopez.

Epektibo ang nasabing balasahan noon pang April 7, dalawang araw matapos maupo bilang chief justice si Gesmundo.

Si Gesmundo na rin ang mamumuno sa Presidential Electoral Tribunal, habang sina Bernabe at Leonen ay in charge sa Senate Electoral Tribunal at House of Representatives Electoral Tribunal, batay sa pagkakasunod.

Samantala, inutos naman ng SC ang pisikal na pagsasara ng mga korte sa Santiago City sa Isabela, Quirino Province, at Abra hanggang April 18 bunsod na rin ng pagkakasama ng mga probinsya sa modified enhanced community quarantine areas.

Nangangahulugan na kaparehas sa NCR plus courts, suspendido ang pagsampa at serbisyo ng pleadings at mosyon sa habang sarado ang mga korte.

Sa kabila nito, siniguro naman ng SC na magpapatuloy ang kanilang operasyon sa pamamagitan ng video conferencing “as far as practicable.”

“Judges may conduct fully remote videoconferencing hearings on pending cases and other matters, whether urgent or not, regardless of their physical location and without prior permission from the Office of the Court Administrator,” ayon sa Supreme Court.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.