ASTEROID: MALAKING BATO SA KALAWAKAN
Spread the news on:

Ang asteroid ay isang uri ng bato na nag-o-orbit o umiikot rin sa sun o araw kagaya ng mga planeta pero hindi kasinglaki ng mga ito.

Ang ilang mas malalaking asteroid ay tinatawag ding planetoid.

Karaniwang umiikot o nag-o-orbit sa araw ang mga asteroid sa pagitan ng mga planetang Mars at Jupiter o ang tinatawag na “asteroid belt.”

Ayon sa mg eksperto, aabot na sa milyon asteroid ang naobserbahan at naitala ng mga siyentipiko.

Iregular ang mga sukat at hugis nito na ang ilan ay spherical shape, habang ang iba ay mayroong mga crater o butas-butas.

Pinaniniwalaan din ng mga astronomer na nababalutan ng dust o alikabok ang ibabaw o surface ng mga asteroids.

C-type ang pangkaraniwang klase ng asteroid na binubuo ng clay at silicate rock.

Nadiskubre ang unang asteroid noong January 1, 1801 ng isang Italyanong pari at astronomer na si Giuseppe Piazzi habang gumagawa ng star map sa Palermo Astronomical Observatory.

Nakita niya ang isang maliit na bagay na 1,000 kilometer o 600 miles ang diameter sa pagitan ng planetang Mars at Jupiter.

Tinawag itong “Ceres” na may 220 taon na mula nang madiskubre ni Piazzi.

Iba rin ang asteroid sa mga tinatawag na meteor. Ang asteroid ay malalaking bato sa kalawakan habang ang meteoroid naman ay maliliit na bahagi ng mga bato na umiikot din sa araw.

Nagiging meteor ang mga meteoroid kapag pumasok sa atmosphere ng Earth at nag-vaporize o nalusaw na karaniwang tinatawag na ‘shooting star’ o bulalakaw.

Sa March 21, 2021, sinabi ng US National Aeronautics and Space Administration (NASA) na isang napakalaking asteroid ang dadaan malapit sa Earth.

Bagamat malayo ito ng higit sa limang beses ng distansya ng buwan sa mundo, sinasabi ng mga eksperto na “potentially hazardous asteroid” o posibleng magdulot ng panganib ang naturang asteroid na pinangalanang 2001 FO32 at unang natuklasan may 20 taon na ang nakararaan. (Hazel Pajanostan/OB)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.