MODERNA COVID-19 VACCINE, NAKATAKDANG DUMATING SA BANSA SA KALAGITNAAN NG TAON
Spread the news on:

Inanunsyo ng Moderna Inc. nitong Sabado na magsu-supply sila sa Pilipinas ng 13 milyong doses ng COVID-19 vaccine na nakatakdang i-deliver sa kalagitnaan ng 2021.

Ayon sa press release ng kumpanya, makikipagtulungan ito sa regulators para maaprubahan bago ipamahagi ang mga bakuna.

Inihayag din ng Moderna ang posibilidad ng hiwalay na pag-uusap sa gobyerno at mga pribadong sektor para sa karagdagang supply na 7 milyon doses.

Noong Enero, inaprubahan ng Food and Drug Administration ng Pilipinas ang COVID-19 vaccine ng Pfizer Inc. at BioNTech para sa emergency use.

Nabigyan din ng ahensiya ng EUA ang mga bakuna ng AstraZeneca at Sinovac.

Noong nakaraang linggo, sinimulan na ng bansa ang pagbabakuna kontra COVID-19 gamit ang dalawang bakunang aprubado.

Naitala nitong Sabado, umabot na 591,138 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa, kung saan 43,323 sa mga ito ang aktibong kaso.

Ang unang kumpirmadong kaso ay naiulat noong January 30, 2020 mula sa isang babaeng Chinese na dumating sa bansa mula Wuhan City, China na sinasabing pinagmulan ng COVID-19. (ZCH)

(Photo Courtesy: Anna Nolte/Zacharie Grossen/Wikimedia Commons)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.