MATAAS NA INFLATION RATE NG BANSA, PANANDALIAN LANG AYON KAY ROQUE
Spread the news on:

Siniguro ng Malakanyang na ginagawa ng gobyerno ang lahat para makontrol ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa bansa.
 
Ang komento ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay bunsod ng mabilis na pagtaas ng inflation rate sa bansa na umabot sa 4.7% nitong Pebrero mula sa 4.2% noong Enero 2021.

Ang nasabing inflation nitong Pebrero ay pinakamataas na simula noong Enero 2019, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa isang pahayag, sinabi ni Roque na pansamantala lang ang pagsipa ng antas ng pagtaas ng presyo ng basic commodities sa bansa.
 
“Our economic managers see the upward inflation trend as temporary and concerned agencies in the Executive branch continue to check the prices of basic commodities while ensuring that prevailing rates are likewise fair to suppliers,” saad ni Roque.

Siniguro pa ni Roque na may mga hakbang nang ipinatutupad ang gobyerno upang tugunan ang krisis na dulot ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

“We are intensifying efforts to ease inflation through immediate interventions, such as augmenting the supply of meat. We have implemented proactive measures,” pagsiguro ni Roque.

Kabilang umano sa solusyon ng gobyerno ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Executive Order (EO) 124, na nagpapataw ng price ceiling sa presyo ng baboy at manok sa Metro Manila sa loob ng dalawang buwan.

Ibinida rin ni Roque ang pagbili ng baboy sa Visayas, Mindanao, at maging sa mga lugar sa Luzon na walang kaso ng African swine fever (ASF) papunta sa Metro Manila.

Idinagdag pa niya ang ibinigay na transport subsidy para rito. (Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.