13-MILYONG DOSE NG MODERNA COVID-19 VACCINE, TIYAK NANG MATATANGGAP NG PILIPINAS
Spread the news on:

Aabot sa 13-milyong doses ng Moderna COVID-19 vaccine ang sinigurong maibibigay sa Pilipinas sa gitna ng taong 2021, ayon mismo sa kumpanya nito.

Ayon sa press release ng Moderna, nakikipag-ugnayan na ang kumpanya sa mga regulator sa Pilipinas para sa mga kaukulang aksyon.

Ayon pa sa Moderna, inaasahan na magkakaroon ng magkaibang deal sa gobyerno ng Pilipinas at pribadong sektor para sa karagdagang 7-milyong dose ng COVID-19 vaccine.

“We thank the government and the private sector for their collaboration to bring the COVID-19 Vaccine Moderna to the Philippines,” ani Moderna chief executive officer Stéphane Bancel.

“We appreciate the confidence in Moderna, and our mRNA platform demonstrated by the Government of the Philippines. We remain committed to making our vaccine available on every continent to help end this global pandemic,” dagdag pa ni Bancel.

Kinumpirma rin ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez ngayong Linggo ang panayam ng Moderna.

“Ang gobyerno, they just were able to conclude mga 13 million doses so malaking bagay ‘yan,” ani Romualdez sa isang interbyu.

“Hopefully darating ‘yan by June of this year,” dagdag pa ng envoy.

Isang kumpanyang Amerikano ang Moderna na may 94% efficacy rate ang kanilang bakuna kontra COVID-19.

Sinabi rin ni Romualdez na bukod sa Moderna ay nakapagpareserba na rin ang Pilipinas ng 6-million doses ng Janssen COVID-19 vaccine na gawa ng Johnson and Johnson, pero wala pa itong target delivery date.

Ang bakuna ng Janssen ang nag-iisang COVID-19 vaccine na pwedeng iturok ng isang dose lang.

“Yung Johnson and Johnson, meron tayong naka-reserve na 6 million pero hindi nila masapat kung kailan nila puwedeng ma-deliver ‘yan,” ayon pa kay Romualdez.

“Dito kasi sa Amerika, may instruction si President Biden na lahat ng kailangan na bakuna ng mga Amerikano, gusto niya na by end of May, lahat ng mga Amerikano nabakunahan na,” ayon pa sa envoy. (Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.