DOLE LABOR ADVISORY SA “NO VACCINE, NO WORK” SCHEME, ILALABAS SA LUNES
Spread the news on:

Magpapalabas ng labor advisory sa Lunes ang Department of Labor and Employment (DOLE) kaugnay sa usapin ng “no vaccine, no work” scheme.

Una nang inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na mapaparusahan ang sinumang establisimyento o employer na magpapatupad nito dahil wala aniyang legal na basehan ang kumalat na “no vaccine, no work” policy  sa mga pribadong sektor.

Paliwanag ng kalihim na hindi sapilitan ang pagbabakuna kontra COVID-19 at hindi rin dapat maging batayan ito sa pagtanggap sa trabaho.

Bukod dito, batid din naman aniya ng mga employers na hindi pa sapat ang supply ng bakuna sa bansa dahil kakasimula pa lamang ng vaccine rollout kung saan inuuna muna ang nasa priority list kabilang ang mga healthcare workers. (Jocelyn Domenden)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.