KAPANGYARIHAN NG MASA: EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION 1986
Spread the news on:

Ipinagdiriwang ngayong araw ng sambayanang Pilipino ang ika-35 taon ng ‘People Power’ revolution o Edsa Revolution.

Ang rebolusyung ito ang itinuturing na kauna-unahang matagumpay na ‘bloodless’ revolution sa kasaysayan dahil na rin sa mapayapang pagsasagawa nito para mapatalsik sa pwesto ang diktador na si dating pangulong Ferdinand Marcos.

Ipinrotesta ng taumbayan ang talamak na katiwalian sa gobyerno, at pang-aabuso sa karapatang-pantao na nagresulta sa pagkamatay ng ilang mga kritiko ni Marcos.

Nagsimula ang kilos-protesta noong Pebrero 22 hanggang 25, 1986, kung kailan umalis na ng Malakanyang si Marcos at kanyang pamilya.

Tinatayang umabot sa dalawang milyong Pilipino ang nakilahok sa mapayapang protesta noong Pebrero 1986.

Sa kabila ng banta ng mga tangke at sundalo, naiwasan ang pagdanak ng dugo at naging mapayapa at matagumpay ang Edsa People Power Revolution.

Noong araw ding iyon, Pebrero 25, 1986, iprinoklama si Corazon C. Aquino bilang ika-labing-isang presidente ng Pilipinas at kauna-unahang babaeng presidente ng bansa.


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.