SANSHA CITY, PINAKAMALAKING LUNGSOD SA MUNDO
SANSHA CITY, PINAKAMALAKING LUNGSOD SA MUNDO
SANSHA CITY, PINAKAMALAKING LUNGSOD SA MUNDO
Spread the news on:

Matatagpuan sa South China Sea ang pinakamalaki at pinakapambihirang lungsod sa mundo.

Ito ang inihayag sa ulat ng United States Naval War College sa pagtukoy sa Lungsod ng Sansha, na itinatag ng People’s Republic of China noong 2012 para sakupin ang mahigit 800,000 milya kuwadrado ng South China Sea sa loob ng tinatawag na ‘nine-dash line’ na inaari ng Beijing bilang kanilang teritoryo.

Sa pagkonsidera sa laki ng sakop nito, ang Sansha City ay 1,700 beses na mas malaki kaysa sa New York City.

Sakop nito ang Paracel Islands, na inaari din ng Vietnam at Taiwan, at ang Spratly Islands, na pinag-aagawan naman ng Vietnam, Taiwan, Pilipinas, Malaysia, at Brunei.

Ang City Hall ng lungsod ay matatagpuan sa tinatawag na Woody Island, isa sa isla ng Paracels.

Dating outpost lamang ng China, nagmistulang sentro ng aktibidad ngayon ang Woody Island, batay sa 57-pahinang report na sinulat ng China expert na si Zachary Haver para sa China Maritime Studies Institute ng US War College.

“The island now boasts expanded port infrastructure, seawater desalination, and sewage treatment facilities, new public housing, a functioning judicial system, 5G network coverage, a school, and regular charter flights to and from the mainland,” paglalarawan ni Haver sa kanyang ulat.

Ayon din sa report, bukod pa sa pagpapaunlad sa Woody Island, dine-develop din ngayon ng Sansha City ang turismo sa Paracel Islands para makapang-akit ng mga mamumuhunan sa negosyo gaya ng aquaculture, o ng mga nais na manirahan nang pangmatagalan sa lugar.

Mayroon ding mga bilangguan at isang korte, na kung saan ay nilitis at pinatawan ng parusa ang dalawang indibidwal na bumili at nag-transport ng endangered wildlife sa Spratly Islands.

Ayon kay Haver, ang pagtatayo ng naturang siyudad ay bahagi ng mga pagkilos ng China para masakop ang mga pinag-aagawang teritoryo sa South China sea.

“China’s system of military-civil fusion is a mechanism to govern contested areas as if they were Chinese territory,” paliwanag ni Haver.

“The expansion of the city’s party-state institutions allow municipal authorities to directly govern contested areas of the South China Sea and ensures the primacy of Chinese Communist Party (CCP) interests in local decision-making,” ikinatuwiran pa ng China expert.

Bilang konklusyon, pinunto ni Haver na ang Sansha City na siyam na taong gulang pa lang ay katibayan ng determinasyon ng China na “manatili (sa rehiyon) nang pangmatagalan.”

“In entrusting these responsibilities to the municipal party-state and supporting the city’s development, Beijing has revealed that its ambitions extend beyond dominating the South China Sea via CCG [Chinese Coast Guard] and PLA Navy operations. Through Sansha’s system of normalized administrative control, China is gradually transforming contested areas of the South China Sea into de facto Chinese territory,” pagtatapos na pahayag ni Haver.


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.