BULKANG TAAL: “SMALL BUT TERRIBLE”
Spread the news on:

Isa sa malimit puntahan ng mga turista ang Taal lake kung saan naroon ang bulkang Taal.

Ang bunganga o crater ng bulkang Taal ay pwedeng mapuntahan sa pamamagitan ng hiking o horseback riding.

Ang Bulkang Taal ay isang isla na nasa gitna ng isang lawa, at itinuturing itong pinakamaliit pero pinakamapanganib na aktibong bulkan sa bansa.

Sa kasaysayan ng pagsabog nito, naitala ang mahigit 6,000 bilang ng mga namatay.

Sumabog na ito noon pang 1500s pero ang mga namatay ay naitala lamang noong 1754 kung saan tumagal ng pitong buwan ang pagputok ng bulkan.

Sinasabing napakalakas ng pagsabog nito noong 1754 na naging sanhi para mabago ang geography ng lugar.

Ang Taal lake ay isang inlet patungo sa karagatan, at dahil sa pagsabog, nabarahan ang lagusan at ang inlet ay naging lawa.

Bago naman ito pumutok noong 1911, dalawang araw naranasan ang paglindol sa lugar. Mahigit isang libo naman ang naitalang namatay.

Ang Taal Volcano ay nakapagtala na ng 35 na pagsabog.

Sa pinakahuling pagsabog nito noong January 2020, sinasabing ito ay isang “magmatic eruption.”

Nagdulot ang naturang pagputok ng sunud-sunod na lindol, lava fountains, at naglabas ng steam at abo.

Libu-libo ang apektado lalo na ang mga naninirahan sa isla na nawalan ng tirahan at kabuhayan.

Matapos ang isang taon, mistulang ghost town na ang isla. Nangamatay na ang mga puno at natabunan ng abo ang mga bahay at eskwelahan.

Sa kasalukuyan, itinuturing na mapanganib pa rin ang naturang lugar kaya ipinagbabawal ng gobyerno na bumalik ang mga dating residente nito. (Hazel Pajanostan/OB)

(Photo Courtesy: Exec8/Wikimedia Commons)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.