NGAYONG ARAW SA KASAYSAYAN: 1986 PRESIDENTIAL AT VICE-PRESIDENTIAL SNAP ELECTIONS
NGAYONG ARAW SA KASAYSAYAN: 1986 PRESIDENTIAL AT VICE-PRESIDENTIAL SNAP ELECTIONS
Spread the news on:

Ngayong araw, Pebrero 7, noong 1986, ginanap ang presidential at vice presidential snap elections nina dating pangulong Ferdinand E. Marcos at dating senate president at foreign minister Arturo Tolentino laban kina Ginang Corazon C. Aquino at dating senador Salvador H. Laurel.

Si Ginang Aquino, na siyang kandidato ng oposisyon sa pagka-presidente ay ang byuda ni dating senador Benigno S. Aquino Jr., na pinaslang sa Manila International Airport noong siya ay bumalik sa bansa noong August 21, 1983 mula sa tatlong taong self-exile sa Amerika.

Matatandaang iprinoklama ng Batasang Pambansa sina Marcos at Tolentino na siyang nanalong Presidente at Bise-presidente, ngunit dahil sa mga alegasyon ng talamak na dayaan at kawalan ng tiwala ng publiko sa administrayon, hindi tinanggap ng kampo nina Aquino at Laurel ang naturang resulta. Maging ang ilang delegasyon ng international media ay nagsabing nagkaroon ng malawakang dayaan sa nangyaring snap elections.

Matapos nito, sunud-sunod na protesta na ang inilunsad ng taumbayan, kasama ang mga lider ng simbahan hanggang sa mapatalsik ang diktador na si Marcos.


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.