DUTERTE, GUSTONG MANATILI SI MAGALONG BILANG CONTACT TRACING CZAR
Spread the news on:

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na manatili si Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang contact tracing czar ng bansa, ayon sa Malakanyang.

Ito ang pahayag ni presidential spokesperson Harry Roque Jr. matapos sabihin ni Magalong na handa siyang magpatuloy bilang contact tracing czar ng bansa kung gusto pa ni Duterte.

“I have heard with my own two ears nothing but words of praises for Mayor Magalong from the President,” wika ni Roque.

“So, of course, I am 100% sure that the President would want Mayor Magalong to stay on as contact tracing czar,” dagdag pa niya.

Naghain si Magalong ng “irrevocable” resignation matapos dumalo sa isang party sa Baguio City kung saan nalabag ang ilang health protocols.

Ngunit ibinasura lang ng Malakanyang ang pagbibitiw ni Magalong, na itinalaga ni Duterte bilang contact tracing czar noong Hulyo ng nakaraang taon.


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.