MAGALONG NAGBITIW BILANG CONTACT TRACING CZAR PERO MALAKANYANG, ‘DI PUMAYAG
Spread the news on:

Nagbitiw si Baguio City mayor Benjamin Magalong bilang contact tracing czar matapos dumalo sa isang party sa kanyang lungsod na sinasabing paglabag sa health protocols.

Kinumpirma ni presidential spokesman Harry Roque na nagsumite nga si Magalong ng resignation ngunit hindi ito inaprubahan ng Malakanyang.

Bago rito, nagsumite si Magalong ng resignation noong Enero 28 kay Secretary Carlito Galvez Jr, chief implementer ng National Task Force Against COVID-19.

Sa kanyang sulat kay Galvez, sinabi ni Magalong na nasangkot siya sa isang insidente kung saan nalabag ang ilang health at safety protocols.

Una nang nabalita na dumalo si Magalong sa party ng events organizer na si Tim Yap sa Camp John Hay Manor kung saan inalis ng mga panauhin ang kanilang face masks para magpa-picture at magsayaw.

Paliwang ni Magalong, bilang isang senior member ng IATF, dapat ay kumilos siya noong mga panahong iyon para maitama ang sitwasyon. (AI/FC/MTVN)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.