PSG CHIEF, UMAMING LIBRE ANG BAKUNA PERO HINDI TINUKOY KUNG KANINO NANGGALING
Spread the news on:

Inamin ni Presidential Security Group commander Brigadier General Jesus Durante III na libre nilang nakuha ang covid-19 vaccine na itinurok sa ilan niyang tauhan ngunit tumanggi siyang banggitin kung kanino ito galing.

Sinabi ni Durante na PSG ang nagdesisyon na magpabakuna at ipinaalam na lang nila ito kay Pangulong Rodrigo Duterte pagkatapos.

“Hindi ko rin masabi actually eh kung saan namin nakuha ‘yun, source namin, but maybe someday you’ll find out, you’ll know someday. For now, huwag muna, it could jeopardize itong vaccination program, procurement ng government natin,” paliwanag ni Durante.

Idinagdag pa ni Durante na nag-research ang PSG kung anong magandang bakuna ang ibigay sa close-in security personnel ng pangulo.

“We’ve done our research about it so we made by all means, we were able to acquire itong vaccine na ito for our unit alone. Wala kaming intent na ipakalat ‘yun sa iba,” pahayag ni Durante.

Wala pang naaaprubahan ang Food and Drug Administration (FDA) na anumang covid-19 vaccine sa bansa. Sinabi rin ng FDA na labag sa proseso ang ginawa ng PSG. Pero itinanggi ni Durante na may nilabag silang mga patakaran at sinabi pang nagpabakuna sila para protektahan ang pangulo sa virus.

“Kahit hindi siya nakabakuna pero ang mga nakapaligid sa kanya ay naka-vaccine naman, mas safe siya,” giit ni Durante. (AI/FC/MTVN)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.