PSG CHIEF, UMAMING HUMINGI NG DONASYON PARA SA DI OTORISADONG COVID-19 VACCINES
Spread the news on:

Inamin ni Presidential Security Group commander Brigadier General Jesus Durante III na humingi siya ng donasyon para sa di otorisadong covid-19 vaccines.

Ayon pa kay Durante, ibinigay nang libre ang bakuna sa mga tauhan niya dahil PSG mismo ang humingi nito.

“Because we asked for it. We requested for it,” sagot ni Durante sa isang panayam sa telebisyon.

Nang tanungin kung bawal sa anti-graft law ang nasabing pagkilos, sumagot si Durante ng “I can’t answer that question.”

Sa ilalim ng Section 3 ng Republic Act No. 3019 o ang Anti-Graft And Corrupt Practices Act, itinuturing na katiwalian ang paghingi at pagtanggap ng anumang benepisyo mula sa sinuman para sa kanyang pakinabang o para sa ibang tao.

Iginiit din ni Durante na walang lumapit sa PSG para sa supply ng di otorisadong bakuna at sinabing ito ay kanyang personal na desisyon.

“We know how to take risks. We know how to face all of these risks. And one of that is the vaccine in fighting this pandemic. So at any costs I have to get that weapon.  That is my call. That is an independent call of PSG and that is the call of my command,” paliwanag ni Durante. (AI/FC/MTVN)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.