DEFENSE SEC. LORENZANA, TINAWAG NA ‘SMUGGLED’ ANG COVID-19 VACCINES NA ITINUROK SA PSG
Spread the news on:

Tinawag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na “smuggled” ang mga covid-19 vaccine na itinurok sa ilang miyembro ng Presidential Security Group dahil wala itong awtorisasyon mula sa Food and Drug Administration (FDA).

‘Yes, smuggled kasi hindi authorized. Only the government can authorize diyan,” pahayag ni Lorenzana sa panayam pagkatapos ng wreath laying ceremony sa Rizal Park sa Maynila sa pagdiriwang ng Rizal Day.

Ayon kay Lorenzana, dapat ipaliwanag ng PSG ang kanilang hakbang kahit sabihin pa nilang ito ay para na rin sa proteksiyon ni Pangulong Duterte.

“Kailangan ipaliwanag ng PSG ’cause they violated FDA rules… Explain ng PSG bakit ginawa ‘yun,” saad pa Lorenzana.

Iginiit din ni Lorenzana na dapat masunod ang mga patakaran ng FDA sa sitwasyong ito, dahil dapat matiyak na ligtas gamitin ang mga bakuna, gamot, at maging mga pagkain na pumapasok sa bansa.

Napag-alaman lang ni Lorenzana ang ginawa ng PSG noong natapos nang mabakunahan ang mga tauhan nito. Hindi rin niya alam kung saan nanggaling ang bakunang ginamit.  (AI/FC/MTVN)






Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.