PAGTUROK NG COVID-19 VACCINE SA PSG, HINDI ISYU KAY DND CHIEF LORENZANA
Spread the news on:

Walang nakikitang problema si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa pag-iniksiyon ng covid-19 vaccine sa mga tauhan ng Presidential Security Group (PSG) kahit wala pang aprubadong bakuna laban sa naturang virus sa bansa.

“I have no problem. The vaccine has been approved, tried and found to be effective in the country of origin,” pahayag ni Lorenzana. 

Ayon pa kay Lorenzana, mahigit isang buwan na ang nakalipas mula nang iniksiyunan ng bakuna ang mga miyembro ng PSG ngunit hindi sila nakitaan ng anumang masamang epekto.

Iginiit din ni Lorenzana na hindi niya alam kung saan nagmula ang bakunang itinurok sa mga miyembro ng PSG.

Wala ring impormasyon si Lorenzana kung sinu-sino sa mga miyembro ng Gabinete ang nabigyan na ng bakuna kontra covid-19, na unang ibinulgar ni Interior Secretary Eduardo Año.

Ayon kay Año, nang tanungin kung saan galing ang bakuna, sinabi ng opisyal na maaaring ito’y donasyon lang sa PSG. (FC/MTVN)

(Photo: DND Secretary Delfin Lorenzana)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.