MGA NURSE, IKINALUNGKOT NA NAUNA PA ANG PSG SA COVID-19 VACCINE
Spread the news on:

Nalungkot ang mga opisyal at miyembro ng Filipino Nurses United (FNU) sa balitang nauna pang nabigyan ng bakuna kontra covid-19 ang mga tauhan ng Presidential Security Group (PSG) kaysa sa mga medical frontliners.

“Since kami talaga ‘yong primary na mahahawa dito, kami dapat mauna sa bakuna,” pahayag ni Jaymee de Guzman, treasurer ng FNU.

“Kami ‘yong talagang humahawak ng mga patient. Kami ‘yong army ng government para ma-defeat ‘yong virus,” dagdag pa ni de Guzman.

Ayon kay de Guzman, patunay lang ito na huli ang mga nurse sa prayoridad ng gobyerno.

Una nang inamin ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nabakunahan na kontra covid-19 ang mga miyembro ng PSG upang mapanatiling ligtas ang Pangulo laban sa virus.

Aminado rin si Interior Secretary Eduardo Año na ilang miyembro ng Gabinete ang tumanggap na rin ng bakuna.

Ikinagulat naman nina Food and Drug Administration Director General Eric Domingo at Health Secretary Francisco Duque III ang anunsiyo na marami nang naturukan ng bakunang gawa ng Sinopharm ng China.

“I think he was as surprised as I was. Kasi nandoon kami sa meeting and I think he was also quite caught off guard. Alam kong si Secretary Duque, hindi naman talaga ‘yan magpapabakuna na hindi approved ng FDA,” pahayag ni Domingo.

Sa ngayon, tanging Pfizer pa lang ang nag-apply ng emergency use authorization (EUA) sa Pilipinas para sa kanilang bakuna kontra covid-19. (AI/FC/MTVN)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.