MARAMING PINOY, KUNTENTO SA PAGTUGON NG GOBYERNO SA COVID-19 AYON SA SURVEY
Spread the news on:

Maraming Pilipino ang kuntento sa ginagawang trabaho ng Office of the President (OP) at ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases’ (IATF-EID) para mapigil ang pagkalat ng covid-19 sa bansa.

Batay sa End-of-the-Year survey na ginawa ng PUBLiCUS Asia, Inc. mula December 3 hanggang 9, nakakuha ang OP and IATF-EID ng pinakamataas na approval scores.

67.8% ang approval rating ng OP, habang 62.667% naman ang nakuha ng IATF-EID.

Sila lang ang dalawang ahensiya ng gobyerno na nakakuha ng approval rating na mas mataas sa 60%.

Ang iba pang ahensiya ng pamahalaan na nakakuha ng mataas na approval rating ay ang Department of Science and Technology (57.6%), DSWD (56.533%), DOH (54.2%), DOLE (54.067%), at DILG (52.933%).

Ang Presidential Communications Operations Office ay may 51.467%, Department of Agriculture (51.333%), Transportation (50.933%), Tourism (50.866%), at Information and Communications Technology (50.133%).

Pinakamababa naman ang rating ng Office of the Vice President, na mayroon lang approval score na 41%.

Nasa 1,500 respondents ang lumahok sa survey ng PUBLiCUS. (AI/FC/MTVN)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.