DOH: WALA PANG EBIDENSYA NA NAGSASABING MAS MAPANGANIB ANG BAGONG STRAIN NG COVID-19
Spread the news on:

Aminado si Health Secretary Francisco Duque III na wala pang nakikitang ebidensiya na mas matindi o mas delikado ang bagong strain ng covid-19 na nakita sa United Kingdom.COVID-19.

Pero ayon kay Duque, batay sa paunang pag-aaral, sinasabing pinatataas ng SARS-CoV-2 VUI 202012/01 (Variant Under Investigation, year 2020, month 12, variant 01) ang transmission rate ng covid-19 ng 0.4%.

Ang SARS-CoV-2 ay ang virus na pinagmumulan ng sakit na covid-19.

“But there is no evidence yet showing that this can increase severity or virulence of COVID-19 nor affect the efficacy of the anti-COVID-19 vaccine,” paliwanag ni Duque.

Tiniyak naman ni Duque na nakaalerto ang mga awtoridad upang mapigil ang pagpasok ng nasabing strain sa bansa.

Samantala, aprubado na ni Pangulong Duterte ang ban ng mga biyahero mula United Kingdom mula December 24 hanggang 31, batay na rin sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force.

“Pero wala po tayong ganun dito at hopefully hindi magkaroon,” pagtiyak ni Duque, na idinagdag pang may kakayahan ang Pilipinas na matukoy ang ganitong uri ng strain.

Ayon pa sa kalihim, magpupulong ang Philippine Genome Center, Research Institute for Tropical Medicine, at UP-NIH (National Institute of Health) upang alamin ang iba pang detalye ng bagong strain. (AI/FC/MTVN)





Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.