BIYAHE MULA UK, SINUSPINDE NA NG PAMAHALAAN DAHIL SA BANTA NG BAGONG STRAIN NG COVID-19
Spread the news on:

Sinuspinde ng pamahalaan ang lahat ng biyahe mula United Kingdom patungong Pilipinas sa gitna ng pangamba sa bagong strain ng covid-19 na kumakalat sa Britanya.

Inihayag ni presidential spokesperson Harry Roque na magsisimula ang suspensiyon ng 12:01 ng madaling araw ng ika-24 ng Disyembre, 2020 hanggang ika-31 ng Disyembre 2020.

“All passengers who have been in the UK within fourteen (14) days immediately preceding arrival to the Philippines, including those merely in transit, are also temporarily restricted from entering the country for the same period,” pahayag pa ni Roque.

Ang mga pasahero naman mula United Kingdom na darating bago ang 12:01 a.m. ng December 24 ay dapat sumailalim sa mahigpit na quarantine at testing protocols, kabilang dito ang 14-day quarantine period sa Athlete’s Village sa New Clark City at pagkuha ng negatibong RT-PCR test result.

Inirekomenda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang mga nasabing petsa upang mapigil ang inaasahang pagtaas ng kaso ng covid-19 sa panahon ng kapaskuhan, ayon naman sa Department of Health (DOH).

Marami nang bansa ang hindi nagpapasok ng flights mula UK matapos ang ulat na ang bagong strain ng virus ay 70% na mas nakakahawa kumpara sa kasalukuyang covid-19. (AI/FC/MTVN)

 





Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.