OCTA RESEARCH GROUP: NAGSIMULA NA ANG BUGSO NG COVID-19 CASES SA METRO MANILA
Spread the news on:

Nagbabala ang OCTA Research Group na nagsimula na ang bugso ng covid-19 cases sa Metro Manila bago ang araw ng Pasko kasabay ng panawagan sa publiko na mahigpit na sumunod sa minimum health standards.

Ayon sa OCTA, ang reproduction rate, o ang bilang ng tao sa isang populasyon na posibleng mahawa ng isang virus carrier, ay umakyat ng 1.15 mula 1.06 noong nakaraang linggo at lalo pa itong tumataas.

“It is in this light that we believe, based on our analysis of the data and of the past trends in the NCR (National Capital Region) that a surge in its early stages has already started in the region. This is a serious cause for concern,” pahayag ng grupong OCTA.

Maaari pang mapigil ang bugso ngunit kailangan ang sama-samang pagkilos ng pamahalaan at publiko.

Hinikayat din ng OCTA ang mga mamamayan na iwasan ang mga matatao at saradong mga lugar. Umiwas din muna sa pagdalo sa mga pagtitipon ngayong kapaskuhan.

“While we must and we will celebrate Christmas, we should do so safely and responsibly, not just to ensure our own safety and well-being, but that of our families and our community,” paglalahad ng grupo.

Binanggit rin ng grupo na tumaas ang bilang ng kaso ng covid-19 sa Europa at Estados Unidos dahil sa mga parties kaugnay ng pagdiriwang ng kapaskuhan. (FC/MTVN)

 





Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.