MGA SENADOR, NANAWAGAN NG TRAVEL BAN MULA SA UNITED KINGDOM DAHIL SA BAGONG STRAIN NG COVID-19
Spread the news on:

Nanawagan ang tatlong senador sa pamahalaan na dapat munang i-ban o ipagbawal ang mga biyahero galing sa United Kingdom para hindi na makapasok pa sa bansa ang bagong strain ng virus.

Kasunod ito ng pagkadiskubre ng bagong strain ng covid-19 sa United Kingdom na ayon sa mga eksperto ay 70% na mas nakakahawa.

Ayon kay Senador Franklin Drilon, dapat nang kumilos ang Department of Health (DOH) upang hindi na maulit ang nangyari noong Pebrero kung saan hindi nagpatupad ng ban ang gobyerno sa mga biyahero galing China kaya nakapasok ang covid-19 sa bansa.

Pahayag naman ni Senador Joel Villanueva, sa pamamagitan ng temporary ban ay masisigurong hindi makakapasok sa bansa ang bagong covid-19 strain.

Hiniling naman ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang agarang ban upang matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino.

Nauna nang sinabi ng DOH na binabantayan na nila ang bagong strain subalit hindi pa kailangang maghigpit sa pagpasok ng mga biyahero dahil mga diplomats, Filipino citizens at mga negosyante lang ang pinapayagang pumasok sa bansa.

“Iyon pa lang ang pinapapasok natin and strenghened rin ang measures natin on testing, quarantine na isinasagawa sa ating borders,” saad ni DOH Usec. Maria Rosario Vergeire. (FC/MTVN)

(Photo: London Airport/ Courtesy: By M J Richardson, CC BY-SA 2.0, https://commons.wikimedia.org/w/index.php?curid=14095820)





Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.