MAS MAHIGPIT NA COVID-19 PROTOCOLS, PLANONG IPATUPAD NGAYONG PASKO AT BAGONG TAON
Spread the news on:

Suportado ni DOH Secretary Francisco Duque III ang desisyon ng mga opisyal ng mga lokal na pamahalaan ng Metro Manila na mas higpitan pa ang pagbabantay sa publiko para mapigilan ang paglobo ng mga kaso ng covid-19 ngayong Pasko at Bagong Taon.

Ayon sa kalihim, nagbabala na ang mga eksperto na posibleng tumaas ang bilang ng kaso ng covid-19 ngayong holiday season dahil sa pagiging kampante ng publiko sa pagpunta sa mga matataong lugar gaya ng mga pamilihan, mall, at simbahan.

Mungkahi ni Duque, higpitan ang health at safety protocols, at manatili na lang sa bahay ang wala namang importanteng gagawin sa labas.

Kailangan pa ng ibayong pag-iingat ng publiko lalo’t posibleng sa kalagitnaan pa ng 2021 magkaroon ng bakuna kontra coronavirus.

“We’ve got a long way to go to sort this,” punto ng government health experts.

“Essentially we’ve got to get that vaccine rolled out to keep people safe. Given how much faster the virus spreads, it’s going to be very difficult to keep it under control until we have the vaccine rolled out,” dagdag pa ni Duque.

Maaaring simulan sa bansa ang pagbabakuna sa mga Pinoy gamit ang mga bakuna ng Pfizer at BioNTech sa Hulyo ng susunod na taon.

Pero ayon sa ilang senador ng oposisyon, bagamat suportado nila ang mungkahi ni Duque, tila huli na ang desisyon ng health secretary.

“The alarm bells have been ringing for weeks but the prime minister chose to ignore them . . . He told the country to go ahead and have a merry little Christmas . . . and yet three days later he tells millions of families to rip up those plans,” anila patungkol sa mga komento na sinabi ni Duque kamakailan.

Samantala, ngayong araw, nakapagtala ang DOH ng 1,721 bagong kaso ng covid-19, kaya’t umakyat na sa 461,505 ang kabuuang bilang ng mga tinatamaan ng coronavirus sa bansa.

82 naman ang naitalang bagong gumaling, habang 10 ang pumanaw.

Nasa 23,341 na lang ang mga aktibong kaso o ‘yung mga nagpapagaling o ginagamot pa sa covid-19. (AI/MTVN/EM)

(Photo: Courtesy Philippine National Police Police Regional Office 3 – PNP PRO3, Public Domain, https://commons.wikimedia.org/w/index.php?curid=88319999)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.