DILG, MULING NAGPAALALA NA BAWAL ANG MASS GATHERING NGAYONG KAPASKUHAN
DILG, MULING NAGPAALALA NA BAWAL ANG MASS GATHERING NGAYONG KAPASKUHAN
Spread the news on:

Naglabas ng isang advisory si Secretary Eduardo Año ng Department of Interior and Local Government (DILG) bilang paalala sa mga mamamayan na ang pagtitipon-tipon ng mahigit sa 10 katao ay ipinagbabawal batay sa anti-pandemic rules na dapat na mahigpit na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force  (IATF)  for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Ang mass gatherings ng higit sa 10 katao kagaya ng Christmas parties at Simbang Gabi o pagtitipon-tipon sa labas ng tahanan ay isang paglabag sa anti-pandemic rules ng IATF kung walang karampatang pag-iingat gaya ng nakasaad sa minimum health protocols.

Mahigpit na ipinatutupad ang naturang direktiba ng DILG upang maiwasan ang paglaganap ng covid-19 sa bansa ngayong Kapaskuhan. 

Samantala, sa kabila ng mahigpit na kautusan ng DILG, lokal na pamahalaan at kapulisan, patuloy naman ang pagdagsa ng mga mamimili sa Divisoria sa Maynila na dinarayo upang humabol sa Christmas rush sale.

Karagdagang pwersa ang hiniling ng MPD para mahigpit na ipatupad ang mga health at safety protocols lalo na ang physical distancing. Kaya’t nagpakalat na ng 75 armadong Special Action Force (SAF) na pinamunuan ni Manila Police District Director PGEN. Leo Francisco. Layunin ng PNP na matiyak na maayos na naipatutupad ang physical distancing sa Divisoria at maiwasan ang pagkukumpol-kumpol ng mga mamimili ngayong huling tatlong araw bago sumapit ang Pasko.

(Photo: Si MPD Director PGEN. Leo Francisco habang nagbibigay ng direktiba sa SAF troopers bago ang deployment nila sa Divisoria)






Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.