PINAY POWERLIFTER NA NAKIPAGLABAN SA SAKIT NA POLIO, INSPIRASYON NG KAPWA ATLETA
Spread the news on:

Nagsilbing inspirasyon si Pinay powerlifter Adeline Dumapong-Ancheta sa kanyang mga kapwa atleta mula sa pagkikipaglaban niya sa sakit na polio hanggang sa pagkapanalo niya ng kauna-unahang medalya ng bansa sa 2000 Summer Paralympics.

Sa webisode ng Philippine Sports Commission (PSC) na ‘Rise Up! Shape Up!’ noong Miyerkules, ikinuwento ni Adeline ang hirap na sinapit nang magkaroon siya ng polio sa edad na 6-anyos pa lamang.

Paralisado mula bewang pababa, gumawa ng mapait na hakbang ang kanyang pamilya na mailipat siya sa Bahay Mapagmahal – Philippine Orthopedic Center, na isang lugar para sa mga batang may kapansanan sa Maynila. Doon siya namulat sa mga larangan ng sports at musika na bahagi ng kanilang rehabilitation program.

Hinangaan ni PSC Chairman William Ramirez si Adeline sa katatagan nito at sinabing isa siyang tunay na inspirasyon para sa kapwa Pilipino matapos mapagtagumpayan ang matinding mga pagsubok sa buhay.

“Adeline is proof that strength comes from within and it conquers any obstacle. She leaped to glory by becoming the first Filipina to win a Paralympic medal when she won bronze at the 2000 Summer Paralympics. It’s turning pain into power, a beacon of hope for all of us,” dagdag pa ni Ramirez.

“Like the current COVID-19 pandemic which can cause life-changing state and conditions of people, incurring physical disability is also a very challenging hurdle to take on. But both pandemic and physical disabilities are barriers that we can overcome, ” pahayag naman ni PSC Commissioner and Women-in-Sports (WIS) oversight Celia H. Kiram.

Sabi pa ni Kiram, layunin ng ahensya na maitaas ang kamalayan ng publiko tungkol sa parasports at mahikayat ang mga Pilipino na suportahan ang larangan at ang mga atletang nangangarap na sumabak sa parasports. Ang parasports ay mga sports na nilalaro ng mga taong may physical o intellectual disability.

Tampok din sa webisode ang powerlifter na si Antonio Taguibao, coach ni Adeline, na nagturo naman ng ilang technique) sa powerlifting na aniya’y kaiba sa weightlifting. Si Taguibao ang tanging Pilipino na nakakuha ng World Masters’ Championship title sa apat na magkakasunod na taon. (AI/MTVN/EM)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.