SEAG GOLD MEDALIST, PINANGUNAHAN ANG 2ND DAY NG WNBL DRAFT COMBINE
Spread the news on:

Pinangunahan ni Southeast Asian Games (SEAG) gold medalist Khate Castillo ang 54 na atletang nagpakitang-gilsa sa ikalawa at huling araw ng Women’s National Basketball League (WNBL) Draft Combine nitong Linggo, Dec. 13 sa Victoria Sports Tower sa Quezon City.
Bukod kay Castillo, nangibabaw naman ang galing nina UAAP Season 82 finals MVP Monique Del Carmen, at dating University of the Philippines standout Fille Claudine Cainglet.
Kanya-kanyang pagpapamalas ng kanilang talento ang mga atleta sa kanilang pagsabak sa agility tests, at biometrics, na itutuloy naman sa actual draft na itatakda bago matapos ang Disyembre 2020.
115 players ang nakilahok sa dalawang araw na event na sinuportahan ng Victoria Sports, Chris Sports, Phenom, Tanita, Chooks-to-Go, Uling Roasters, at GIG Sportswear.
Kabilang sa iba pang sumali sa 2nd day ng draft combine ang mga sumusunod na atleta:
Mariel Campasa
Krista Mae Bongon
Klarisse Bascon
Loraine Jastine Capilit
Cherylane Cuyom
Nicole Delos Reyes
Ma. Ferlynn Decapia
Regina Tanya Dela Merced
Jean Liezl Delos Reyes
Katrina Rose Domino
Marika Daphne Esplana
Micah Joy Figuracion
Nicole Anne Garcia
Marie Elisa Gepilano
Franchesca Gomendoza.
Fionna Mikee Gonato
Ericka Mae Hortaleza
Ayra Nil Hufanda
Anna Marika Iida
Christine Iriss Isip
Denyse Mariel Jimenez
Mary Rose Labrador
Shanna Mae Latoza
Danice Ysai Llosala
Sunny Gen Lucanas
Krystine Cloe Timtim
Leodine Mari Madrid
Nicole Mendina
Julie Ann Montilla
Junila Rose Petilla
Lourdes Pocallan
Jinnelle Ponce
Quenee Roan Ragual
Camille Ramos
Karen Anne Salapong
Vanessa Jane Santos
Ma. Katrina Servillon
Ma. Princess Ray Sulit
Jacqueline Tanaman
Irene Torregosa
Ma. Michaela Bianca Sunga
Krizanne Claudine Ty
Jade Valenzuela
Eliezza Dianne Ventura
Loraine Ventura
Francesca Isabel Young
Jaimee Marie Chan
Hazelle Irysh Habon
Mary Krista Joanne Roberto
Cheng Garcera
Loraine Gonzalo.
Sa unang araw, may 61 na mga forward at sentro ang dumalo sa event na isinagawa sa ilalim ng istriktong pagpapatupad ng mga health at safety protocols na pinamahalaan ng Games and Amusements Board.
Lahat ng players at league staff ay dumaan sa antigen tests bago makapasok sa actual combine area. Bilang bahagi ng social distancing measures, walang scrimmages na ginawa at binigyan na lang ang mga coach ng video ng event.
Pinangsiwaan ng mga batikang trainer na sina  Karlo Santos, Mark Caron, Aldo Panlilio, at Justin Aquino ang agility exams, habang dalawang  coaches naman mula sa Tamita ang nagsagawa ng body composition tests. (AI/FC/MTVN/EM)

Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.