PULIS, NAGPOSITBO SA DROGA MATAPOS ANG BIGLAANG DRUG TEST SA ISANG EVENT SA NCRPO
Spread the news on:

Nalagay sa alanganin ang isang pulis matapos magpositibo sa shabu sa isinagawang surprise drug test para sa mga pulis na dumalo sa isang finance course sa headquarters ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Sa isinagawang press conference nitong Lunes,  sinabi ni PNP chief Gen. Debold Sinas na ang urine sample ni PMsg. Leonardo Mariano Jr. ay nagpositibo sa confirmatory test na isinagawa ng ng mga tauhan ng PNP Crime Laboratory. Ipadadala naman ang opisyal na resulta ng ginawang drug test sa NCRPO Internal Affairs Service para mabigyan ng kaukulang aksyon.

Kasama si Mariano sa 74 na pulis na dumalo sa training sa Camp Bagong Diwa noong Dec. 11.

Ayon sa PNP, mandatory ang drug test para sa lahat ng dumalo sa training pero tanging si Mariano lang ang nagpositibo sa droga. (IA/MTVN/EM)

(Photo: PNP chief PGen. Debold Sinas)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.