LABOR UNION, UMAPELA KAY PRRD NA PALAYAIN ANG MGA INARESTONG UNYONISTA AT MAMAMAHAYAG
Spread the news on:

Umapela ang grupong Nagkaisa Labor Coalition (NLC) sa Duterte Administration na agad pakawalan ang inarestong manggagawa at isang journalist noong International Human Rights Day, na ibasura ang kanilang mga hinaharap na kasong kriminal.

Ayon kay NLC counsel Atty. Sonny Matula, mariin nilang kinukondena ang pag-aresto kina Trade Union Organizers Dennise Velasco ng Defend Jobs Philippines, Romina Astudillo, Deputy Secretary-General ng Kilusang Mayo Uno-Metro Manila, Mark Ryan Cruz, Regional Executive Committee ng KMU-Metro Manila, Jaymie Gregorio Jr. ng KMU-Metro Manila, Joel Demate ng Solidarity ng Labor Rights and Welfare (SOLAR), Rodrigo Esparago ng Sandigang Manggagawa sa Quezon City (SMQC) at mamamahayag na si Lady Ann Salem , communication officer ng International Association of Women in Radio and Television, at editor ng online news site na Manila Today.

Ayon sa ulat, nakumpiska kina Astudillo at Cruz ang umano’y matataas na kalibre ng armas nang halughugin ang kani-kanilang tinutuluyan nitong December 10 na Pandaigdigang Araw ng Karapatang-Pantao 

Paliwanag pa ni Atty. Matula, iligal ang pag-aresto at pagkulong sa naturang mga aktibista.

Nanawagan din ang grupo sa UN Human Rights Council at International Labor Organization na magpadala ng mga kinatawan para maimbestigahan at matutukan ang lumalalang sitwasyon kaugnay ng paglabag sa mga karapatang-pantao sa Pilipinas. (AI/EM)

(Photo: Courtesy Ace Morandante for the Presidential Communications Operations Office/https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Rodrigo_Duterte_holds_a_meeting_with_the_IATF-EID_at_Malaca%C3%B1ang_on_May_25,_2020.jpg)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.