CASH CARD PARA SA MGA SENIOR CITIZEN NG PASIG CITY, IPINAMAHAGI NA
Spread the news on:

Sinimulan na ang pamamahagi ng mga cash card para sa unang batch ng mga senior citizen (SC) sa Pasig City ngayong araw, Lunes, Dec. 14, bilang pamaskong handog ng lokal na pamahalaan sa mga matatandang residente ng lungsod.

Isinagawa ang pamimigay ng cash card sa covered court ng Barangay Sagad mula alas-9 hanggang alas 11 ng umaga, kung saan hinati sa dalawang grupo ang may 708 na nakalistang senior citizens.

Unang binigyan ang mga may apelyidong nagsisimula sa letrang A hanggang M mula alas-9 hanggang alas-10 ng umaga. Sumunod naman ang mga may apelyidong nagsisimula sa N hanggang Z mula alas-10 hanggang alas-11 ng umaga.

Mahigpit ding ipinatupad ang health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask, at face shields, at pagpapanatili ng physical distancing, bilang pagsunod sa mga panuntunan ng pamahalaan para maiwasan ang pagkalat ng covid-19.

Payo naman ni Mayor Vico Sotto, tiyakin munang nasa listahan ang pangalan ng mga senior citizen bago pumunta at kumuha ng cash card. Maaaring tingnan ang opisyal na listahan sa Facebook page ng pamahalaang lungsod.

Magtatapos ang pamamahagi ng cash card sa December 20. (AI/EM)

(Photo: Pasig Mayor Vico Sotto)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.