TOTAL BAN SA MGA MEAT PRODUCTS, IDINEKLARA SA CAGAYAN DAHIL SA ASF
Spread the news on:

Idineklara ng provincial government ng Cagayan ang total ban o pagbabawal sa pagbebenta at pagbiyahe ng lahat ng uri ng produktong karne sa lalawigan, kabilang ang mga buhay na baboy, fresh at frozen pork, at processed pork products, para maiwasan ang pagkalat ng African swine fever (ASF).

Ibinaba ang kautusan sa bisa ng Executive Order No. 33, series of 2020, na pinirmahan ni Cagayan Governor Manuel N. Mamba, kasunod ng second wave ng ASF sa naturang lalawigan.

“There are already nine municipalities and 27 barangays affected by the ASF virus. We have already eliminated hundreds of hogs in order to control its spread to other swine population,” paliwanag ni Mayor Mamba.

Payo ng pamahalaang panlalawigan sa mga apektadong hog raisers, limitahan muna ang pagpaparami ng alagang baboy hangga’t hindi pa nasusugpo ang pagkalat ng ASF sa probinsya.

Agad namang ipinag-utos ng Provincial Veterinary Office, sa pamumuno ni Provincial Veterinary Officer (PVO) Dr. Noli V. Buen, sa mga lokal na opisyal na ipatupad na ang total ban sa mga apektadong munisipalidad lalo na ang mga lugar na nasa boundary ng lalawigan.

Magtatalaga rin ng mga tauhan mula sa iba’t ibang ahensiya na magbabantay sa mga checkpoints, kabilang ang Task Force Lingkod Cagayan (TFLC), Marine Battalion Landing Team-10 (MLBT-10) at Provincial Veterinary Office. Titiyakin din ng provincial government na nasusunod at naipatutupad ang total ban at posibleng kasuhan ang sino mang lalabag sa kautusan. (Glen Ramos/AI/FC/MTVN)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.