MGA INABANDONANG HAYOP, SINAGIP NG SAN MIGUEL CORPORATION AT ANIMAL KINGDOM FOUNDATION SA BULACAN
MGA INABANDONANG HAYOP, SINAGIP NG SAN MIGUEL CORPORATION AT ANIMAL KINGDOM FOUNDATION SA BULACAN
MGA INABANDONANG HAYOP, SINAGIP NG SAN MIGUEL CORPORATION AT ANIMAL KINGDOM FOUNDATION SA BULACAN
Spread the news on:

Maynila – Matapos bigyan ng pabahay ang mga dating residente ng Barangay Taliptip sa Bulakan, Bulacan, kung saan itatayo ang P740-B Manila International Airport Project ng San Miguel Corporation (SMC), tinutulungan naman nila ngayong sagipin at ilipat ang mga alagang hayop na naiwan sa lugar.

Katuwang ng SMC ang Animal Kingdom Foundation (AKF) sa isinagawang rescue operations para iligtas ang nasa 70 abandonadong hayop na karamihan ay mga aso na naiwan sa barangay.

Ang AKF ay isang non-government organization na may adbokasiyang mapabuti ang kalagayan ng mga hayop at tuldukan na ang pagkatay at pagkain ng karne ng aso.

Nasa 50 hayop na kabilang ang aso’t pusa ang kanilang nailigtas, habang may natitira pang 20 hayop ang kanilang sasagipin mula sa ibang sitio sa mga darating na araw.

Ang mga nasagip na hayop ay dinadala sa shelter ng AKF sa Capas, Tarlac kung saan sila ay inaalagaan at binibigyan ng sapat nap ag-aaruga.

“While we’ve made sure that the former communities here have been relocated to newer, better homes in safer areas, we also can’t bear the plight of the animals that have been left behind. We’re very grateful to Animal Kingdom for all their efforts. With them, we’re assured that the dogs are rescued properly, treated humanely, and can be nursed back to full health,” ayon kay SMC President at Chief Operating Officer Ramon S. Ang.

Karamihan sa mga nasagip na hayop ay may sakit sa balat. Gagamutin ng mga beterinaryo ang mga hayop at aalagaan sa shelter hanggang sa sila’y mahanapan ng bagong tahanan.

“We mounted this effort with Animal Kingdom to ensure that the animals are safe from flooding, hunger, and are given medical care. Eventually, we hope they can also be part of new homes,” dagdag pa ni Ang.

Bukod sa pagre-rescue, magdo-donate din ang SMC ng mga dog food sa AKF shelter na aabot ng hanggang anim na buwan.

Ngayong taon lamang, sa pagputok ng Bulkang Taal, nakipagtulungan din ang SMC sa Philippine Animal Welfare Society o PAWS para sa pagsagip at pagpapakain sa mga naapektuhang hayop .

Tumulong din ang Nutri Chunks dog food, BMEG Bonanza hog feeds at BMEG Integra poultry feeds.

Samantala, inaasahang magbibigay ng maraming trabaho ang airport development project ng SMC sa Bulacan at magpapalakas muli ng ekonomiya ng lalawigan.

Bukod sa pagtulong sa mga dating residente ng Taliptip, nakipagsanib-pwersa din ang SMC sa Technical Education and Skills Development Authority o TESDA para mai-enroll ang mga residente sa mga kursong maghahanda sa kanila sa pagbubukas ng paliparan  o sa pagsisimula ng sariling negosyo.

Kamakailan lang, nakapagtapos na ang unang batch ng mga scholar mula sa Taliptip.

Plano ring magkaroon ng skills training program sa iba pang residente ng Bulacan na gustong matuto sa mga trabahong may kinalaman sa itatayong paliparan. (ZCH/AI/MTVN)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.