HIGIT P13-M HALAGA NG SHABU, NAKUMPISKA SA 3 NAARESTO SA BUY BUST OPERATION SA BACOLOD CITY
Spread the news on:

Tatlong drug personalities na pinaniniwalaang nasa likod ng operasyon ng isang sindikato ng droga sa Bacolod city, Negros Occidental ang nahuli sa buy-bust operation na isinagawa ng PNP Drug Enforcement Group noong Lunes, Nobyembre 23 sa Barangay Singcang-Airport.

Naging matagumpay ang nasabing anti-drug operation sa pinagsanib na pwersa na Regional Drug Enforcement Unit-6 at Bacolod City Police Office.

Kinilala ang tatlong suspek na sina Regine Arroz, 28-anyos, Jun Marki Ibe, 28-anyos, at Sheila Mhary Balarao, 34-anyos.

Nahuli sa kanila ang dalawang kilo ng methamphetamine o shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P13.6-M batay na rin sa standard drug price ng Dangerous Drugs Board.

Narekober din sa mga suspek ang buy-bust money at iba pang pera na pinaniniwalaang kinita ng grupo mula sa kanilang iba pang transaksyon.

Nasa kustodiya na ng Bacolod City PNP ang mga naarestong suspek. (ZCH/AI/MTVN)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.