DAGDAG NA PAGGASTA NG GOBYERNO PARA SA IMPRASTRAKTURA, HINIMOK NG TUCP
Spread the news on:

NOV 25, 2020  

Nanawagan sa gobyerno ang Trade Union Congress of the Philippines o TUCP Party List para sa agarang aksyon at priority legislation para matugunan ang malawakang unemployment o kawalan ng trabaho sa bansa dahil pa rin sa pagbagsak ng ekonomiya bunsod ng pandemya ng Covid-19.

Isa sa nakikitang sagot dito ng grupo ay dagdag na paggastos sa mga imprastraktura para makalikha ng dagdag na trabaho at negosyo.

Ayon sa pahayag ni TUCP Party List Representative Raymond Democrito Mendoza, kailangang gumawa ang gobyerno ng konkretong plano para mabigyan ng trabaho ang mga manggagawa upang muling makabangon ang ating ekonomiya na.matagal nang lugmok dahil sa Covid-19 pandemic at maisalba ang.mga negosyong nalugi dahil sa mga lockdown. 

“Without a clear direction and without putting the needs of workers at the forefront of policies, our entire economy could collapse when the workers who hold it up are left hungry and forgotten. Public health and support for the economy are equally important, and there is no need to sacrifice one for the other if there is sufficient foresight. We are asking the government to listen to the needs of the workers, because they have felt the brunt of this pandemic and are out of options should their situation continue,” saad ni Mendoza, na siya ring chairman ng House Committee on Overseas Workers Affairs.

“Most urgent of all is putting money in the hands of the workers, especially those who have been put on furlough by their companies. While policies released by the DOLE may allow temporary suspension of the employer-employee relationship, it is unconscionable to expect workers to survive more than half a year without a job and without an income. Without a government subsidy, these workers who have been laid off will be unable to provide food and other necessities for their families.” dagdag pa.niya.

Ikinalungkot ni Mendoza ang tinawag niyang “policy cracks” sa gobyerno dahil sa pagbibigay prayoridad sa mga miyembro ng 4Ps program ng DSWD na nakakatanggap ng buwanang subsidiya sa halip na tulungan ang mga manggagawang hikahos at isang kahig, isang tuka dahil sa kawalan ng trabaho.

Dagdag pa niya, hindi maaaring asahan ang pribadong sektor ngayon na maibalik ang mga nawalang trabaho o magbigay ng bagong trabaho. Aniya, gobyerno ang dapat magbigay ng bagong trabaho sa mga apektadong manggagawa. 

“It is now time to rethink the role of Government as merely facilitating the policy-climate whereby the private sector is incentivized to invest thereby creating private sector jobs. We appeal to government to increase financing for wage subsidies and public infrastructure which will create much needed jobs. We need government spending – and borrowing – to be more aggressive to provide financial support for workers as the numbers of those out of work demand it,” apela ni Mendoza. 

Paliwanag pa ng mambabatas, ang pagtatayo ng gobyerno ng isang komprehensibong LUZVIMIN railway network para maiugnay at magkaroon ng mga regional at provincial agro-industrial hubs sa pamamagitan ng mga secondary roads ay inaasahang lilikha ng maraming trabaho sa iba’t ibang rehiyon sa bansa at matutugunan pa ang problema sa hindi pantay-pantay na pag-unlad ng ekonomiya ng bawat rehiyon. (ZCH/AI/MTVN)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.