REPORT NG TASK FORCE SA MGA ANOMALYA SA PHILHEALTH ISUSUMITE KAY PRRD SA SUSUNOD NA LINGGO
Spread the news on:

NAKATAKDANG isumite ng Task Force sa pangunguna ng Department of Justice (DOJ) sa susunod na linggo kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang report sa imbestigasyon sa umano’y mga anomalya sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), kabilang na ang posibleng pagsasampa ng mga kasong kriminal at administratibo laban sa mga tiwaling opisyal.

“By September 14, we (the task force) should be able to submit to you (President Duterte) our report and findings including administrative and/or criminal cases against persons in Philhealth who will.. shall be found to be responsible for anomalies or irregularities,” sabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa televised meeting kay Pangulong Duterte, Lunes ng gabi.

Idinagdag ng kalihim na para sa natitirang araw ngayong linggo ay pag-iisahin ng task force ang lahat ng kanilang nakalap na impormasyon sa pitong hearings na kanilang isinagawa.

Ang task force ay kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa Office of the Ombudsman, Commission on Audit, Civil Service Commission, Presidential Anti-Corruption Commission, Office of the Special Assistant to the President, Anti-Money Laundering Council, National Bureau of Investigation, at National Prosecution Service.

Sa isinagawang hearings, ilang testigo na dating opisyal ng PhilHealth ang nagbunyag ng iba’t ibang fraudulent schemes na umano’y ilang taon nang pinatatakbo ng mga opisyal at empleyado ng ahensya sa main at regional offices, sa pakikipagsabwatan ng ilang doktor at ospital, maging mga bangko, na nagsisilbing remittance centers.


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.