MGA SEMENTERYO SA MAYNILA SARADO SA UNDAS
Spread the news on:

 

 

 

IPINAG-UTOS ng pamahalaang lokal ng Maynila ang pagsasara sa lahat ng pampubliko at pribadong sementeryo sa lungsod, simula October 31 hanggang November 3.

Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na nilagdaan niya ang Executive Order No. 38, para sa pansamantalang pagsasara ng mga sementeryo upang maiwasan ang pagkalat ng Covid-19.

“Kung mabisang dumami ang coronavirus ay dahil ‘yun sa ating pakikihalubilo, siksikan, sama-sama sa isang lugar,” sabi ni Moreno.

“Para maiwasan natin ang patuloy na paglago ng coronavirus through this situation ay pansamantala ko po itong isasara,” dagdag pa niya.

Humingi rin ang alkalde ng pang unawa sa publiko, kasabay ng pagsasabing maaga niya itong inanunsyo upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga tao para bisitahin ang mga namayapa nilang mahal sa buhay bago isara ang mga sementeryo.

Ayon kay Moreno, nasa 1.5 million ang bumibisita sa Manila North Cemetery kapag Undas habang nasa 800,000 sa Manila South Cemetery.

Gayunman, inihayag ni Moreno na sakaling gumaling ang lahat ng tinamaan ng Covid-19 sa lungsod sa October 31 o may dumating ang bakuna bago sumapit ang itinakdang petsa ay babawiin niya ang kautusan.


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.