KOLEKSYON NG BI BUMABA NG 39% SA UNANG 6 NA BUWAN NG 2020
Spread the news on:

MAHIGIT P3 bilyon ang kinita ng Bureau of Immigration (BI) sa unang anim na buwan ng 2020, mababa ito ng 39% kumpara sa nakolekta nito sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, P3.14 bilyon ang nakolekta nilang immigration fees simula Enero hanggang Hunyo.

Kumpara aniya ito sa P4.3 bilyon na kanilang kinita sa unang anim na buwan ng 2019.

Sinabi ni Morente na ikinu-konsidera pa rin nila itong malaking accomplishment dahil kahit sa kabila ng Covid-19 pandemic ay naabot nila ang kalahati ng kanilang target na P6.18 billion para sa taong 2020.

Idinagdag ng Immigration chief na bumagsak ng 95 percent ang bilang ng local at foreign travelers sa mga nakalipas na buwan dahil sa pandemya.

Tiwala naman si Morente na maaabot pa rin ng BI ang kanilang income target ngayong taon kapag niluwagan ang quarantine measures at travel restrictions.


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.