PILIPINAS NAPATAG NA ANG COVID-19 CURVE – UP EXPERT
Spread the news on:

NAPATAG na ng Pilipinas ang COVID-19 curve, ayon sa isang eksperto mula sa University of the Philippines (UP)-OCTA Research team ngayong Linggo.

“Actually, na-flatten na siya and we said around two weeks ago na we are seeing a flattening of the curve by the end of August or early September,” sabi ni Professor Guido David sa isang panayam.

Ipinaliwanag ni David na bumaba sa 0.94 at patuloy pang bababa ang reproduction number, na tumutukoy sa bilang ng mga taong maaring mahawaan ng isang pasyenteng may COVID-19.

“So nagde-decrease pa siya and that is very good news. Ibig sabihin, nasu-sustain natin ‘yung flattening of the curve,” dagdag pa ni David.

Sinabi rin nito na pababa rin ang trend ang COVID-19 bed occupancy rate sa Metro Manila subalit nananatili pa rin sa critical zone.

Nagbabala rin ng UP expert sa publiko na huwag masyadong matuwa na napatag na ang COVID-19 curve dahil maaring magkaroon aniya ng panibagong pagsipa sa kaso kung magpapabaya.

Hinimok din nito ang pamahalaan na maingat na pag-aralan ang anumang panukala na luwagan ang mga paghihigpit sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan sa modified general community quarantine.

Sa tala ng Department of Health, as of September 6, 2020, umabot na sa 237,365 ang tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, matapos ianunsyo ang 2,839 na bagong kaso ngayong araw.

Samantala, umakyat na sa 184,687 ang bilang ng mga gumaling matapos makarekober mula sa respirato disease ang 23,074 pang pasyente.


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.