Spread the news on:

PINAPURIHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kasalukuyang bayani lalo ang mga medical frontliner na patuloy na nakikipaglaban upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa Pilipinas at maging sa ibang bansa, ngayong National Heroes’ Day.

“I join the entire nation as we celebrate this year’s National Heroes’ Day. Today we honor not only the valor of our forebears who fought for the motherland’s freedom but also the heroism of those who risk their lives fighting a different kind of enemy,” pahayag ng Pangulo sa video message na ipinalabas sa paggunita ng National Heroes’ Day sa Libingan ng mga Bayani ngayong Lunes.

“Present day challenges posed by the current public health crisis have given rise to modern-day heroes, the country’s Filipino frontliners, here and abroad who are battling the COVID-19 pandemic,” sabi pa ng Pangulo.

Nanawagan din ito sa publiko na tularan ang katapangan ng mga bayaning Filipino para sa pagbuo ng mas magandang kinabukasan para sa lahat ng mamamayan.

“I hope that the bravery of our Filipino heroes, past and present, will inspire us all to face and overcome evil in the most formidable situations. Together, let us become everyday heroes as we pursue a better future for everyone. Mabuhay ang bayaning Pilipino,” ani Pangulong Duterte.


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.