Spread the news on:

HINDI muna mairerekomenda ng mga eksperto mula sa University of the Philippines (UP) na ilipat ang Metro Manila sa mas maluwag na community quarantine dahil marami pang pag-aaral at obserbasyon ang kailangan upang matiyak na hindi magreresulta ang mas maluwag na lockdown sa biglang pagsipa ng kaso ng Covid-19.

Sa isang panayam, sinabi ni Professor Guido David ng UP-OCTA Research Team na sa ngayon ay hindi pa nila mairerekomenda ang modified general community quarantine (MGCQ) dahil puno pa rin ang mga ospital.

Nangangamba si David na kapag nag-MGCQ ay mangyari muli ang nangyari noong nag-GCQ kung kailan mabilis na lumobo ang Covid-19 cases.

Una nang inihayag ng UP-OCTA na epektibo ang pagbabalik ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa National Capital Region at iba pang high-risk areas sa pagbagal ng pagkalat ng coronavirus.

Sa tala ng Department of Health, as of August 28, 2020, nasa 209,544 na ang kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa bansa, kabilang ang 134,474 na gumaling at 3,325 na nasawi.


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.