Spread the news on:

HUMINGI si Cavite Governor Jonvic Remulla ng “kaunting malasakit” para sa dalawang barangay officials sa Dasmariñas na naaktuhang nagtatalik sa zoom meeting kasama ang mga kapwa nila opisyal ng barangay.

Sinabi ni Remulla na sapat nang parusa ang kahihiyan para sa mga sangkot na inidibidwal.

“I will not defend their actions, they are inexcusable and ignorant. What I am asking for, is a little compassion,” ani Remulla sa kanyang post sa Facebook.

“I am sure the families involved are wounded and hurting deeply. Dala nila ang kahihiyan na ito habang buhay. The humiliation alone is enough punishment for those involved,” pagbibigay diin pa nito.

Inihayag ni Remulla na hindi siya magsasalita tungkol sa moralidad, hahayaan na lamang niya ang mga walang kasalanan na maunang humusga sa barangay chairman at treasurer.

“Let those who are perfect in every way judge another’s act. Let those who have never sinned be the first to render opinion,” dagdag pa ng gobernador.

Aniya, sa pagkakaalam niya ay nai-proseso na ng barangay chairman at treasurer, maging ng kani-kanilang pamilya ang insidente at piniling magsama-sama pa rin at mag-move on.

“Unfortunately, ‘moving on’ also means losing their jobs as well as their respective mandates,” saad ni Remulla.

Hinimok din nito ang mga hindi naman kasali sa isyu na mag-move on na rin.

“Ang Pilipino ay numero unong chismoso sa buong mundo. Madulas ka lang ng kaunti ay pulutan ka na ng ilang araw. Kaya mabagal ang pag-unlad ng ilan. Puro chismis kasi ang inuuna at inaatupag,” dagdag pa ng gobernador.


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.