Spread the news on:

INANUNSYO ngayong Biyernes ni Prime Minister Shinzo Abe, na siyang pinakamatagal na nagsilbing premier sa Japan, ang kanyang pagbaba sa puwesto dahil sa humihinang kalusugan.

“I cannot be prime minister if I cannot make the best decisions for the people. I have decided to step down from my post,” sabi ng 65-anyos na si Abe sa isang news conference.

Ilang taon nang iniinda ni Abe ang sakit na ulceative colitis at kamakailan lamang ay nagkaroon ng mga pagdududa kung kaya pa niyang tapusin ang kanyang termino hanggang September 2021 matapos ang dalawang beses na pagbisita sa ospital sa loob lamang ng isang linggo.


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.