Spread the news on:

KARAGDAGANG 10,000 contact tracers ang kailangan pa sa Metro Manila sa gitna ng Covid-19 pandemic, dahil sa malaki nitong populasyon, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ngayong Huwebes.

Sa isang panayam, sinabi ni DILG spokesman at Undersecretary Jonathan Malaya na 13 milyon ang populasyon sa Metro Manila at 4,00 lamang ang kasalukuyang contact tracers kaya kailangan pa nilang mag-hire ng karagdagang 10,000.

Aniya, itong bilang pagtalima sa required ratio ng World Health Organization (WHO) na isang contact tracer kada 800 katao.

Inihayag ni Malaya na ang kanilang first priority ay mga nakapagtapos ng medical courses at criminology.

Ikalawang prayoridad aniya nila ay college level ng mga nabanggit na kurso at kung wala ay graduate level ng anumang kurso.

Sinabi ni Malaya na ang maha-hire na contact tracers ay sasailalm sa training sa Local Government Academy o Philippine Public Safety College.

Aniya, ang mga aplikante ay kailangang magsumite ng transcript of records, application letter, NBI (National Bureau of Investigation) clearance, personal data sheet, at magpa-drug test.

Sa sandali aniyang i-release ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondo ay agad nilang sisimulan ang hiring process.


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.